Mister iniwan ng mag-ina, nagbigti

BULACAN, Philippines -- Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 27-anyos na mister na sinasabing iniwan ng kanyang mag-ina matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Perez, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Michael Garque ng Botany Street sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa kanyang kaibigang si Wilfredo Castor kung saan naikuwento nito ang hinanakit sa kanyang mag-ina na iniwan siya. Bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabitin sa kanilang bahay na inuupahan.

Show comments