Kotse vs truck: 4 pisak

Wasak ang kotseng sinasakyan ng apat na namatay matapos sumalpok sa kasalubong na truck sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw. Cristina Timbang

CAVITE, Philippines - - Apat-katao ang sinalubong ni kamatayan matapos magsalpukan ang kotse at trailer truck  sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni P/Supt. Carlos Barde, ang mga biktima na sina Joan Toledo, 37, ng Barangay Datu Esmael; Rogelio Santos Jr, 41, ng Buhay-na-Tubig, Imus City; Armando San Pedro III ng Tagaytay City, at Lowie Alcaraz, 33, ng Barangay Salcedo 1 sa bayan ng Naic, Cavite.

Kasalukuyan namang nakakulong ang driver ng truck na si Rico Andes, 38, ng Tandang Kutyo sa bayan ng Tanay, Rizal.

Ayon kay SPO1 Menard Mendoza, nawalan ng kontrol sa manibela ng kotse si Toledo pagsapit sa kurbadang highway kaya sumalpok sa kasalubong na trak (TXG-625) ni Andes na patungong Tagaytay City.

Naipit ang mga biktima sa loob ng kotse at hindi na ito nailabas pa ng buhay  kung saan halos malasog ang mga katawan.

Show comments