Sanggol natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Kalunoslunos ang sinapit na kamatayan ng isang 3 buwang sanggol na babae matapos itong makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Brgy. Guiwan, Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Ayon kay Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 halos hindi na makilala ang natustang bangkay ng biktimang kinilalang si Sheena Mae Kasim. Bandang alas-7:30  ng gabi nang masunog ang tahanan ni Sheila Kasim, 32 anyos ina ng biktima sa kahabaan ng Sampaguita Road, Brgy. Guiwan ng lungsod. Ayon sa imbestigasyon, sinabi ni Huesca, pansamantalang iniwan ng kaniyang ina ang sanggol nito habang natutulog  na natatanglawan lamang ng kandila dahilan sa brownout sa lugar.Pinaniniwalaan namang natumba ang kandila kaya pag-uwi ng ina ng sanggol galing sa tindahan nito sa di kalayuan sa lugar ay nagliliyab na ang kanilang buong  tahanan.

Show comments