6 arestado sa drug bust

ZAMBALES , Philippines   â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng anim-katao matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Calapacuan, bayan ng Subic, Zambales kahapon. Pormal na kinasuhan ni P/ Chief Insp. Oriano C. Mina, hepe ng Subic PNP, ang mga suspek na sina Diomedes Maraya, 48; Ariel Maraya, 30, kapwa nakatira sa Purok 3, Sitio Tahimik, Brgy. Calapacuan; Roberto Lingad, 35; Joey Arcon, 34; Danny Gimena, 56; at si Arnel Sumayang, 30, ng Barangay Tipo sa bayan ng Hermosa, Bataan. Narekober sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu,  cal. 38 revolver, cal. 45 pistol at mga drug paraphernalia.

 

Show comments