Guro niratrat sa school

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 59-anyos na guro matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa harapan ng Matnog Central School sa Barangay Caloocan, bayan ng Matnog, Sorsogon kahapon ng umaga. Naisugod naman sa Sorsogon Doctors Hospital ang biktimang si Cynthia Gabito ng Barangay Gadgaron sa nasabing bayan. Nabatid na pababa ng traysikel ang biktima sa harapan ng nasabing paaralan nang lapitan at pagbabarilin bandang alas-7:30 ng umaga kung saan tinamaan sa noo at leeg. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments