CAVITE , Philippines – Kalaboso ang 20-anyos na suspek sa pagpatay at panghahalay laban sa kasambahay ng kanyang lola noong Pebrero 20 matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt Carlos Barde, hepe ng Dasmariñas City PNP ang suspek na si Christian Joe Poblete. Base sa tala ng pulisya,si Poblete ay sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay sa 15-anyos na kasambahay ng lola ng una sa Barangay Salawag kung saan sinakal nito ang biktima saka tinangay pa ang malaking halaga bago tumakas. Dahil sa impormasyong nakalap ng pulisya ay nakilala ang suspek na sinasabing nagtago sa Antipolo City, Rizal kung saan siya nasakote. Nasamsam sa suspek ang isang baril na sinasaÂbing nanlaban pa sa pulisya.