9-buwang gulang ni-rape ng ama

RIZAL , Philippines   - Arestado ang 34-anyos na ama matapos nitong gahasain ang kanyang 9-buwang gulang na anak na babae sa Sitio Tupay, Barangay Juan sa bayan ng Taytay, Rizal noong Lunes. Kasong statutory rape ang kinakaharap ng suspek na si Rodolfo Valle Jr. subalit mariin naman nitong pinabulaan ang akusasyon ng kanyang ka-live-in na si Elena. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Rodolfo Anduyan, ang suspek ay inireklamo ni Elena makaraang lumabas ang pagsusuri ni P/Chief Insp. Maria Anna Lisa De La Cruz ng PNP Crime Lab na nagkaroon ng sugat sa maselang bahagi ng katawan ng sanggol. Sa tulong ni P/Supt. Resty Damaso, hepe ng Taytay PNP kasama ang representante ng Municipal Social Welfare and Development ay kaagad na inaresto si Valle.

 

Show comments