Mekaniko dinedo ng kaibigan

BULACAN, Philippines - – Napatay ang 52-anyos na mekaniko matapos itong sapakin at barilin ng kanyang matalik na kaibigan kamakalawa ng hapon sa Barangay Matungao, bayan ng Bulakan, Bulacan. Naisugod pa sa Gen. Gregorio Del Pilar District Hospital ang biktimang si Rolando Asuncion subalit idineklarang patay. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Godofredo Dela Cruz ,34, ng Fatima Street sa nasabing barangay. Ayon kay PO2 Christoper Brian Olojan, nagkasabay na naglalakad ang magkaibigan mula sa pakikipag-inuman sa kanilangh tropa nang sumiklab ang galit ng suspek sa biktima. Napikon ang suspek sa tinuran ng biktima hanggang sa maganap ang krimen.

Show comments