NORTH COTABATO, Philippines - – Tinatayang aabot sa P3 milÂyong halaga ng ari-arian makaraang masunog ang administration building ng University of Southern MinÂdanao Agricultural Research Center (USMARC) sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng madaling araw.
Sa panayam kay Fire Senior Marshall Ibrahim Guiamalon, nagmula ang sunog sa tanggapan ni Director Romulo Cena sa ikalawang palapag ng nasabing gusali banda ng alas-12:53 ng madaling araw.
Bandang alas-2 ng madaling-araw ay naapula ang sunog kung saan ilang silid ng gusali ang hindi natupok ng apoy pero ang buong bahagi ng admin building ay nilamon ng apoy.
Tiniyak naman ni USM President Francisco Gil Garcia na hindi naman maapektuhan ang serbisyo ng naturang tanggapan.
Bagama’t may epekto ang sunog sa nasabing gusali, hindi sapat para maparalisa ang operasyon nito at ng buong pamantasan.
Matatandaan na nitong nakalipas na araw ay tinangka ring sunugin ang Department of Fisheries and Animal Science sa loob ng naÂsabing unibersidad.