Mister iniwan ni misis, nagbigti

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang dinamdam ng 25-anyos na mister ang pagkawala ng kanyang misis kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa punungkahoy sa Barangay Buliran, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Bandang alas-11:45 ng umaga nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Jaime Dionisio ng Barangay Sta. Ines sa nasabing bayan. Sa salaysay ng tiyuhin ng biktima kay PO2 Richard Butic, iniwan ng misis ang kanyang pamangkin kaya nagsimulang maglaho ang sigla nito na nauwi sa pagpapakamatay.

Show comments