Cavite, Philippines — Pinaniniwalaang naburyong sanhi ng matinding depresyon ang isang dating sundalong naging lider ng sekta ng “Salita ng Diyos†makaraan itong mag-amok na nag-suicide pa sa loob ng bahay ng isa nitong miyembro na sinunog nito sa Dasmariñas City, Cavite nitong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang nasawing biktima na si Rafael Policarpio, 59-anyos, retiradong Major at isang lider ispiritwal sa Cavite na naninirahan sa San Pedro, Laguna.
Sa ulat ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Joselito Esquivel, naganap ang insidente sa bahay ng isang kasekta sa relihiyon ni Policarpio sa Boston Street, South Extension, San Marino Subdivision, Brgy. Salawag ng lungsod dakong alas-8 ng gabi.
Bago ang insidente ay nag-amok ang biktima gaÂmit ang isang cal. 38 ArmsÂcor saka nagkulong sa bahay ng miyembro nilang si Asuncion Santiago at nagsimula na umanong magpaputok ng baril.
Nagawa namang makatakbo ni Santiago bitbit ang dalawa nitong anak na iniwan si Policarpio sa loob ng kanilang tahanan.
Sa imbestigasyon ni PO2 Paulo Figueroa, siniÂmulan ding sunugin ng biktima ang ilang mga kaÂgamitan sa loob ng 3-storey na bahay ng ginang hanggang sa magresponde ang mga elemento ng pulisya at ng Bureau of Fire Protection (BFP) na tinangkang maÂkipagnegosasyon upang paÂsukuin ang desperadong lider ng sekta.
Nang balutin ng apoy ang buong kabahayan ay inapula ito ng mga bumbero at ilang saglit pa ay naÂtagpuan ang halos natustang bangkay ng biktima na nakulong sa sunog. Ang kasong ito ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad.