Misis inutas ng 3 mag-uutol

CAVITE , Philippines   â€“ Napatay ang 26-anyos na misis matapos itong pagbabarilin ng tatlong mag-uutol kamakalawa ng hapon sa Barangay Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite. Apat na bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Elaria Archay habang pinaghahanap naman ang mga suspek na sina Ali Asgar Bangon,18, 4th year high school student; Ashia Batao Bangon, at si Alinor Bangon na pawang nakatira sa Barangay Datu Esmael sa nasabing lungsod. Sa inisyal na ulat ni P01 Elmer Belaro, lumilitaw na pinuntahan ng mga suspek ang bahay ng biktima na sinasabing karelasyon ng kanilang ama na si Cosain Bangon. Gayon pa man, nang makita ang biktima ay biglang pinagbabaril ni Ali habang nanonood ang dalawa nitong utol. Pinaniniwalaang hindi sang-ayon ang mga suspek sa relasyon ng kanilang ama sa biktima kaya isinagawa ang pamamaslang.

 

Show comments