Inakusahang kawatan tinodas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Napatay ang 45-anyos na magsasaka na inakusahang magnanakaw ng baka makaraang barilin ng kanyang nakatatandang utol sa Barangay Sto. Domingo, bayan ng Luna, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Edgar Pattaui, hepe ng Luna PNP, ang biktima na si Danilo Omnes habang nasakote naman ang suspek na si Roger Omnes, 47, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na lango sa alak ang suspek nang nagsisigaw sa labas ng bahay ng biktima kaugnay sa pagkawala ng kanyang baka na sinasabing inakusahan ang kanyang kapatid na magnanakaw. Gayon pa man, hindi nakuntento ang suspek sa pag-alipusta sa kanyang kapatid at kinuha pa nito ang shotgun saka ipinutok sa biktima.

Show comments