Jailbreak: 3 preso pumuga

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganin ang mga guwardiya sa Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan makaraang pumuga ang tatlong preso kamakalawa ng gabi. Gayon pa man, ilang oras matapos na tumakas ay sumuko si Russel Patrocinio na sinamahan ng mga opisyal ng barangay kung saan isinelda sa maximum security cell. Habang pinaghahanap naman sina Alvin Villanueva na may kasong murder at Michael Tila na nahaharap sa kasong carnapping. Sa inisyal na interogasyon, sinabi ni Patrocinio na nalulungkot siya dahil matagal na silang hindi nagkikita ng kaniyang misis kaya naisipang tumakas. Nabatid na sinamantala ng mga preso na makalingat ang mga bantay saka isinagawa ang pagpuga.

Show comments