Ambush: Abogado, 2 tauhan todas

MANILA, Philippines - Napatay ang isang prominenteng abogado at dalawa nitong bodyguard habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos na ratratin ng mga armadong kalalakihan sa naganap na pana­nambang sa kahabaan ng highway sa bayan ng Dalaguete, Cebu kahapon ng hapon.

Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Ins­pector Rico Emperwa, hepe ng Dalaguete PNP, ang mga napaslang na sina Atty. Noel Archival, Edwin Lanuza at si Paulo Cortez na kapwa alalay habang nasa kritikal namang kondisyon sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City ang driver nitong si Alejandro Jaime.

Base sa imbestigasyon, kagagaling lamang ni Atty. Archival sa pagdalo sa paglilitis ng korte sa kasong droga sa Dumaguete City nang tambangan ang kulay itim na Ford Escape (YGE-240) na sinasakyan ng mga ito sa hangganan ng Barangay Coro at Dalahigan dakong alas-2 ng hapon.

Nabatid na ang nasabing abogado na pinaniniwalaang target ay pabalik sa Cebu City nang pagbabarilin ng mga armadong kalala­kihan na lulan ng dalawang sasakyan.

Nabafid na si Atty. Archival ay kilalang abogado sa Cebu na maraming hinawakang kasong may kinalaman sa droga at nagtanggol sa ilang pulis na nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments