MANILA, Philippines - Apat na katao, kabilang ang dalawang sibilyan, ang nasawi sa away ng dalawang angkan sa Basilan, ayon sa isang opisyal ng militar.
Sinabi ng tagapagsalita ng Western Mindanao Command na si Capt. Ma. Rowena Muyuella na dalawa sa mga biktima ang pinugutan ng ulo bandang 3:41 ng hapon sa Barangay Bohe Lebong sa bayan ng Tipo-Tipo.
“The incident was triggered by rido (clan war) between two clan commanders,†wika ni Muyuella.
Nakilala ang mga biktima na sina Kasuyan Murang, isang konsehal ng barangay, at Habir Callitu na kapwa miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU), habang utas din sina Wahid at Husin Upisalin.
Lumabas sa pangunang imbestigasyon na pauwi na ang mga biktima ng tambangan ng mga tauhan ni Commander Bazir na mula sa Barangay Bakisung sa bayan ng Abra.
Kaagad tumakas ang mga suspek matapos ang kanilang pag-atake.
Nagpakalat na ng puwersa ang militar upang maiwasang lumala pa ang gulo sa pagitan ng dalawang angkan.