Rapist arestado

CAMARINES NORTE, Philippines â€” Kalaboso ang binagsakan ng isang wanted person na nahaharap sa dalawang kasong panghahalay matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Malaya, bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa. Sa halip na magsaya sa piling ng kanyang mahal sa buhay ay rehas na bakal ang hinihimas ng suspek na si Nelson “Entoy” Madera ng bayan ng Mercedes. Sa ulat ni P/Senior Insp. Rogelyn Calandria, nasakote ang suspek base sa warrant of arrest na inisyu ng mababang hukuman sa kasong 2 counts of rape. Sa record ng pulisya, ang suspek ay nasa talaan bilang ika-9 na wanted person sa bayan ng Mercedes.

Show comments