Misis niregaluhan ng bala ni mister

MANILA, Philippines - Bala ang iniregalo sa 50-anyos na misis matapos itong pagbabarilin ng kanyang mister noong bisperas ng Valentine’s Day sa Barangay Canduman, Mandaue City, Cebu.

Kinilala ang napatay na si Degelia Dimpas ng Purok Mangga, Tayud, Liloan, manggagawa sa junkshop sa Brgy. Canduman habang pinaghahanap naman ang suspek na si Luis Dimpas.

Sa ulat ng Mandaue City PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7 ng gabi nang magtungo ang suspek sa kanyang misis para humingi ng pera.

Gayon pa man, tu­manggi naman ang biktima dahil uubusin lamang ang pera sa bisyo ng asawa kung saan nagalit ang se­losong suspek.

Kasunod nito, bigla lamang pinagbabaril ng suspek ang misis na bagaman sugatan sa unang putok ay nagawang makatakbo pero hinabol at tuluyang tinapos.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na inaakala ng nasabing mister na may ibang lalaki ang asawa kaya hindi siya binibigyan ng pera kaya naganap ang krimen.

 

Show comments