MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pagpapa-medical checkup ng mga may kapansanan na karamihan ay mga kabataan matapos na aksidenteng suwagin ng isang rumaragasang dump truck ang sinasakyan ng mga itong van sa Brgy. Talaga, Argao, Cebu , kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rosalinda Laurente, Guillerma Belandres at isang 10- anyos na batang lalaki.
Ang mga nasugatan na mabilis na isinugod sa ViÂcente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.
Sa ulat ng tanggapan ni Police Regional Office (PRO) 7 Director P/Chief Supt. Danilo Constantino, naganap ang malagim na sakuna sa pakurbadang daan sa Sitio Baybayon, Brgy. Talaga ng nasabing bayan bandang alas-7 ng umaga.
Kasalukuyang bumabagtas sa nasabing lugar ang kulay puting Isuzu L-300 van (TOC306 ) na nag-overtake sa tricycle pero minalas na mahagip ng humahagibis na 10-wheeler Fuzo truck (KED 200).
Sa lakas ng pagkakaÂbangga ay nasawi ang tatlong biktima sanhi ng matitinding sugat na tinamo sa katawan habang mabilis namang isinugod sa pagaÂmutan ang mga nasugatan.
Nabatid na patungo ang L300 van na minamaÂneho ni Jose Entice, 36, sa Chong Hua Hospital upang ipa-check-up ang mga may kapansanan na inisÂponsoran ng isang Non-Government Organizations ng mangyari ang sakuna.
Patuloy naman ang maÂsusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.