3 magkakainuman nagpatayan sa North Cotabato

NORTH COTABATO, Philippines - Tatlo katao ang nagpatayan matapos magkainitan habang nag-iinuman sa bayan ng Arakan sa North Cotabato nitong Huwebes.

Kinilala ni Senior Inspector Rolly Oranza, hepe ng Arakan municipal police, ang mga patay na magkakainuman na sina Roger at Raul Mansugod, magkapatid at Alvin Onsoran.

Nag-iinuman ang tatlo nang magsimula ng away si Onrokan, na agad na nakabunot ng itak at pinagtataga ang magkapatid.

Isa sa magkapatid ang nakakuha ng kutsilyo at pinagsasaksak si Onsoran.

Sugatan ang isa pang kainuman ng tatlo na si Marlon Ambag.

Show comments