2 tulak itinumba ng vigilante

CAMARINES NORTE, Philippines - - Dalawang lalaki na itinuturong notoryus na tulak ng droga ang kumpirmadong nasawi makaraang pagbabarilin sa ulo ng hindi mga nakikilalang mga armadong lalaki na hinihinalang vigilante sa Brgy Motherload, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marlon Alvarez, 36 anyos at Edmund Rasco; pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo.

Bandang alas-12:30 ng madaling araw ng mangyari ang pamamaslang sa dalawang tulak sa nasabing lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen sa bahay in Alvarez ang tatlong basyo ng cal. 45, pistol at drug paraphernalia.

Bago ang insidente ay unang pinaslang na binaril din ng cal 45 sa ulo ang isa pang biktima na si Richard Arana, 45 anyos habang nagmamaneho ng kanyang Ford Everest sa Brgy Gabon, Talisay. Camarines Norte. Narekober sa loob ng kanyang sasakyan ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu, kalibre 45 baril at mahigit sa P5,000 cash money.

Hanggang sa kasalukuyan kapwa blangko ang mga awtoridad kung ano ang motibo ng pamamaslang.

Show comments