MANILA, Philippines - Utas ang isang guro, habang sugatan ang 11 pa matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang sport utility vehicle sa Zamboanga Sibugay ngayong Lunes.
Kaagad binawian ng buhay ang gurong si Abdullah de Guzman na siya ring nagmamaneho ng sasakyan.
Ayon sa pangunang imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela si de Guzman dahilan upang tumilapon ang sasakyan sa isang bangin sa Barangay Bulaan sa bayan ng Buug.
Hindi pa nakikilala ang mga sugatan ngunit napag-alamanang kabilang sa mga biktima ang school supervisor, principal, head teacher, school nurse at anim na estudyante.