Ex-forest ranger itinumba

CAGAYAN , Philippines  â€“ Napatay ang 65-anyos na retiradong forest ranger matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa pamilihang bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Lauro Milan, hepe ng Pasuquin PNP ang biktima na si Edward Arqullo ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan. Lumiltaw na namimili ang biktima nang lapitan at barilin sa ulo at palakad na tumakas ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaril.

 

Show comments