CAVITE , Philippines - Tatlo-katao na sinasabing notoryus na drug pusher at nasa talaan ng drug personalities ang nasakote sa isinagawang drug bust operation sa bahagi ng Barangay Bancal, bayan ng Carmona, Cavite kahapon ng umaga. Sumasailalim sa tactical interrogation ang mag-utol na suspek na sina Antonio “Tony†Manguinao, 47; Angelito “Lito†Manguinao na kapwa nakatira sa nasabing barangay; at si Cathlyne Ballester, 20, ng AFP Housing, sa Barangay Bulihan, bayan ng Silang, Cavite. Sa ulat na nakarating kay P/Supt Mark Joseph Laygo, hepe ng Carmona PNP, ang mga suspek ay nasakote sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Divinagracia G. Bustos-Ongkeko ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 91 sa Laguna. Nasamsam sa mga suspek ang apat na plastic sachet na shabu, 1 sachet ng marijuana, mga drug paraphernalia, walong cellphone, at P2, 900 cash.