Mister dedo sa away-trapiko

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 37-anyos na mister habang malubha naman ang drayber ng traysikel  matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki kaugnay sa away-trapiko sa Barangay Poblacion 1, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Sapang Palay District Hospital ang biktimang si Richard Reyes habang ginagamot naman ang sugatang si Rolando Eboyo, 27, kapwa nakatira sa Barangay Tala sa Caloocan City. Base sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na binangga ng Toyota Revo (VAC 516) ang traysikel ng mga biktima pagsapit sa kalsada ng Daang Barrio.

Sa halip na huminto ang nakabanggang sasakyan ay mabilis na tumakas kaya hinabol ng mga biktima. Subalit nang abutan ng mga biktima ay pinagbabaril sila kung saan napuruhan si Reyes.

 

Show comments