Desperadong mister, nagbigti

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Pinaniniwalaang desperado sa kabuhayan ang isa sa motibo kaya nagpasalubong kay kamatayan ang 45-anyos na mister matapos itong magbigti sa kanilang bahay kamakalaa sa Sitio Panal, Barangay Naga sa bayan ng Tiwi, Albay. Dakong alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Anacleto Consulta na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa mga kaibigan kung saan pinagbantaan pa nito ang kanyang misis na si Eden na papatayin. Gayon pa man, umuwing lango sa alak ang biktima kung saan ito nag-suicide. Wala namang iniwang suicide note ang biktima na naisugod pa sa St. Claire Medical Hospital subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Show comments