Rider pisak sa trak

BULACAN , Philippines   â€“ Patay ang 34-anyos na motorcycle rider makaraang salpukin nito ang nakaparadang trailer truck sa gilid ng highway sa Brgy. Bagbaguin, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Nakaipit pa sa pagitan ng dalawang gulong  ang biktimang si Edes Ramirez Jr. ng Brgy. Sto. Niño sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Pormal namang kinasuhan ang drayber ng trailer truck na si Eduardo Palagod, 43, ng Brgy. Tres sa San Mateo, Isabela. Ayon kay SPO1 Jerico Faigmane, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng By-Pass Road sa Brgy. Bagbaguin lulan ng motorsiklo patungo sa bayan ng Pandi nang mag-overtake ito sa  sinusundang sasakyan. Gayon pa man, sa halip na kaliwa mag-overtake ay sa kanan ito lumusot kaya sumalpok sa likurang bahagi ng trak (TAU 544) na nakaparada.

Show comments