MANILA, Philippines – Ganap nang bagyo ang sama ng panahon sa bandang Mindanao, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 1,140 kilometro silangan ng Mindanao kaninang alas-10 ng umaga.
Sinabi ng PAGASA na wala namang direktang epekto ang bagyo ngunit inaasahan itong papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang hapon o gabi.
Oras na pumasok ito ng PAR, pangangalanan itong “Basyang†ang ikalawang bagyo ngayong taon.
Nitong Enero lamang din ay nanalasa ang bagyong Agaton sa Mindanao na nagdulot ng pagguho ng lupa at pagragasa ng baha.
Higit 60 ang nasawi kay Agaton sa pinakahuling tala ng National Risk Reduction and Management Council.