50 kabahayan naabo

CAVITE, Philippines - – Tinatayang aabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang 50-kabaha­yan na karamihan ay may ilegal na koneksyon ng kuryente sa Barangay Talaba 7, Bacoor City, Cavite  kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni PO3 Michael Legaspi, nagsimula ang sunog bandang alas- 2:31 ng hapon kung saan sinasabing nagmula ang apoy sa bahay ni Gigi Aycardo. Gayon pa man, umabot sa dalawang oras bago naapula ang apoy kung saan sugatan si Richard Soriano.

Show comments