2 sa most wanted ng Abra nahuli na

MANILA, Philippines – Nadakip na ng mga awtoridad ang itiniturong pinuno ng grupo ng mga hitman sa Abra, ayon sa mga pulis ngayong Martes.

Natimbog si Perfecto Barbosa Purugganan, 36, pinuno ng “Purugganan Private Armed Group,” sa loob ng kanyang bahay sa sitio Calunay, barangay Malapaao nitong Enero 25.

Hinuli si Purugganana sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Charito Gonzales ng Regional Trial Court (RTC) Branch 1 para sa kasong  violence against women and children at pagtutulak ng ilegal na droga.

Maaaring makapagpiyansa ang pang-siyam sa most wanted ng Abra sa halagang P25,000 at P200,000.

Samantala, nasakote rin ng mga awtoridad si Norman Rabe Awigui, 34, ang pang-10 sa most wanted ng probinsiya.

Nahaharap sa kasong child abuse si Awigui na nahuli sa barangay Ba-i, Lagayan, Abra.

                                                                                                                                                                          

Show comments