2 desperadong ama, nagbigti

BULACAN , Philippines   â€“ Magkasunod na nagpasalubong kay kamatayan ang dalawang ama na sinasabing desperado sa naganap na magkahiwalay na suicide sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa. Ayon kina PO2 Dennis Silo at PO3 Dwight Danao, naunang nagbigti si Jasper Astillero, 25, ng Sitio Settling sa Barangay Bigte matapos hiwalayan ng kanyang asawa’t dalawang anak. Samantala, si Dennis Ganzon, 43, ng Barangay FVR ay nagbigti rin sa kanilang bahay kung saan nagpaalam pa ito sa kanyang misis na may pupuntahang lugar na malayo.

 

Show comments