5 tiklo sa drug bust

BULACAN, Philippines - – Lima-katao na sinasabing sangkot sa bawal na droga ang nasakote ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Barangay Poblacion at Barangay Bayugo sa Meycauayan City, Bulacan kamaka­lawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Noel Piocos, 40, bisor ng itinatayong Philippine Arena sa bayan ng Bocaue; Alfredo Gay Jr, 29; Jelaylie Sunga, 38,  pawang nakatira sa Northville 3, Brgy. Bayugo, Meycauayan City; Rufo Obanan, 38, ng Brgy. Karuhatan; at si Michael Kabog, 28, ng Brgy. Bignay saValenzuela City. Sa ulat na nakarating kay ni P/Supt. Rafmil Corpuz, si Piocos ay nakumpiskahan ng ilang gramo ng shabu, replica ng cal. 45 pistol matapos sitahin ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa Brgy. Poblacion. Samantala, ang apat na suspek ay nasakote sa pot session kung saan nasamsam ang dalawang gramo ng shabu at paraphernalias.

Show comments