Kelot tiklo sa P40M halaga ng marijuana

MANILA, Philippines - Timbog ang isang 19-anyos na binatilyo na hinihinalang nangangalaga ng marijuana plantation sa Ilocos Sur.

Nadakip ang suspek na si Victor Ganase matapos ang dalawang araw na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Dinwende West, Cervantes, Ilocos Sur.

Aabot sa P40 milyon ang halaga ng mga tanim na marijuana ang nasabat sa 3.5 hektaryang lupa, ayon sa PDEA ngayong Miyerkules.

Binungkal ang tinatayang 100,000 na tanim na marijuana bago sinunog kasama ang 500,000 piraso ng punla  at mga tuyong dahon ng marijuana.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang isasampang kaso kay Ganase.

Show comments