Mister dedo sa pulis

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines– Napaslang ang 49-anyos na mister na sinasabing nanaga ng kanyang misis matapos itong barilin ng kanyang  kapitbahay na pulis sa kahabaan ng Cabanatuan-Fort Magsaysay Road sa Purok 5, Barangay Kalikid Sur sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Kinilala ang napatay na si Elmer Yanes habang ginagamot naman sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital ang misis nitong si Desiree Yanes, 49. Isinailalim naman sa pagsisiyasat si PO3 Jacinto L. Gregorio Jr. ng Police Provincial Safety Company ng Nueva Ecija PNP provincial office. Lumilitaw na namataan ni PO3 Gregorio ang mag-asawa na nag-aaway kung saan nauwi sa pananaga ng mister sa kanyang misis. Dito na sumaklolo si PO3 Gregorio subalit maging siya ay tinangkang tagain pero pinutukan na niya kung saan namatay sa nasabing ospital.

 

Show comments