Trader dinedo ng tandem

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 55-anyos na negosyante matapos ratratin ng motorcycle-riding-gunmen sa naganap na holdapan sa Barangay Bañga, bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Olivert Oliveros ng Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan. Ayon kina SPO1 Merwin Lopez at PO3 Joseph Cruz, nakatayo at pinagmamasdan ng biktima ang pinalilinis sa pag-aaring Starex van (TDQ 558) saTeam Earl’s carwash nang lapitan at holdapin ng dalawang lalaki. Gayon pa man, nagawang pumalag at agawin ang baril ng isa sa holdaper subalit niratrat siya ng kasabwat nito. Tinangay ng mga holdaper ang sout na gintong kuwintas at bracelet ng biktima kabilang ang pitaka nito na naglalaman ng malaking halaga.

 

Show comments