MANILA, Philippines - Patuloy na maginaw ang klima sa summer capital ng bansa ang Baguio City, habang bumaba pa ang temperatura sa isang bayan ng Benguet ngayong Huwebes.
Naitala ang 10 degress Celcius na temperatura sa Baguio City, habang naglalaro sa sa 6.8 hanggang 7.5 degrees ang lamig sa Atok, Benguet.
Pinakamababang naitala sa lungsod ng Baguio ang 9.5 degress noong Enero 12.
Noong Pebrero 1961 ay bumagsak sa 6.2 degress Celcius ang temperatura sa Baguio City, ang pinakamalamig sa kasaysayan ng lungsod.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na asahan ang maginaw na umaga hanggang marso dahil sa patuloy na epekto ng hanging amihan sa Hilagang Luzon.