Magtiyuhin lunod sa ilog

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magtiyuhin matapos lumubog ang kanilang bangka at malunod sa ilog sa Barangay Aquino, bayan ng Licab, Nueva Ecija noong Linggo ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang magtiyuhin na sina Jerry Cajuigan, 43, magsasaka; at Clarissa Cajuigan, 11, Grade 5 pupil, habang nakaligtas naman sa trahedya si Abegail Cajuigan, 10, pawang nakatira sa nasabing lugar. Naglayag ang mga biktima habang lulan ng bangka mula sa palayang pag-aari ni Jerry. Sa lakas ng agos ng tubig-ilog ay nawalan ng kontrol ang timunero ng bangka hanggang sa lumubog ito.

 

Show comments