Maton inutas ng taumbayan

BULACAN , Philippines   â€“ Napaslang ang 37-anyos na maton matapos pagtulungang gulpihin ng taumbayan dahil sa pananakit ng dalawa-katao sa Barangay San Pascual, bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Emilio Perez District Hospital si Rodolfo Reyes Jr. 37, ng Purok 2, Barangay San Pascual sa nasabing bayan. Sugatan naman sina Rosario Herrera, 60, at Rodolfo Reyes Sr., ama ng napatay. Ayon kay PO2 Frederick Felipe, naghamon ng away ang biktima kung saan namagitan ang ama nito matapos saktan ang babaeng dumaraan. Gayon pa man, pinalo ng biktima ang kanyang ama kaya napilitang gulpihin ng mga residente ang nag-aamok na maton.

Show comments