Lolo minartilyo ng ka-live-in

CAVITE , Philippines   -  Napatay ang 69-anyos na lolo matapos itong martilyuhin ng kanyang ka-live-in dahil sa matinding panibugho kamakalawa ng hapon sa Barangay Poblacion 5, bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Manuel Marasigan ng Block 8 Lot excess sa nasabing barangay habang nasakote naman ang suspek na si Jocelyn Data, 28, ng Barangay Kua sa nabanggit na bayan. Ayon kay P01 Marvin Belarmino, huling nakitang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang ka-live-in bago maganap ang krimen. Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang krimen dahil kalimitan siyang sinasaktan.

 

Show comments