Totoy dismayado sa tiyahin, nagbigti

QUEZON , Philippines   - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 13-anyos na binatilyo na sinasabing sumama ang loob matapos matuklasang iniluto ng kanyang tiyahin ang mga mais na ibebenta kamakalawa ng umaga sa Barangay San Andres, bayan ng Candelaria. Bandang alas-7:30 ng umaga nang matagpuang naka­bitin sa loob ng kamalig ang biktimang itinago sa pangalang Ronnie, 1st year high school ng nasabing bayan.

Huling namataang buhay ang biktima na nagmumokmok sa bakuran ng kanilang bahay dahil sa sinasabing problema sa panggastos sa eskuwelahan.

Nabatid na bago mag-suicide ay sumama ang loob ng biktima sa kanyang tiyahin dahil iniluto nito ang mga mais na ibebenta sana nito sa mga pasahero ng bus at ang perang napagbentahan ay panggastos sa school.

 

Show comments