Trader niratrat ng tandem

BULACAN, Philippines - – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 39-anyos na negosyante matapos itong ratratin ng apat na holdaper na lulan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Bunlo, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon. Tinamaan sa leeg ang biktimang si Arnold Alejandro ng Barangay Igulot sa nabanggit na bayan.  Ayon kay PO3 Kim Salvatierra, lulan ng Toyota Prado (WLJ340) ang biktima kasama ang mekaniko para bumili ng trak sa Brgy. San Juan sa bayan ng Balagtas nang harangin at ratratin ng apat na lalaki. Tinamaan sa leeg ang negosyante saka tinangay ang bag na naglalaman ng P.4 milyon. Hindi naman idinamay ang kasamang mekaniko. Narekober sa crime scene ang mga bala ng cal .45 psitol  at 9mm.

Show comments