Mag-utol inararo ng dyipni

CAVITE, Philippines - - Naglaho ang pangarap ng magkapatid na mag-aaral matapos itong araruhin ng pampasaherong jeepney na sinasabing nawalan ng preno sa bahagi ng Barangay Poblacion 5 sa bayan ng General  Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng umaga. Naisugod pa sa pagamutan subalit idineklarang patay ang mag-utol na sina Verlyn Timbal, 14, Grade 7; at Steelyn Timbal, 5, kinder, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Ayon kay P01 Bobbie Balazo, magkasabay na naglalakad sa gilid ng kalsada ang magkapatid nang suyurin ng jeepney na minamaneho ni Ryan De Dios, 31, ng Barangay Ramon Cruz. Arestado naman ang driver ng jeepney kung saan pormal na kakasuhan ng pulisya.

Show comments