NUEVA ECIJA , Philippines – Napatay ang 62-anyos na kagawad ng barangay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen kamakalawa ng gabi sa Barangay Mabuhay, bayan ng Talavera, Nueva Ecija. Naisugod pa sa Dr. Paulino J. Garcia Annex Hospital subalit idineklaÂrang patay ang biktimang si Kagawad Ruferto dela Cruz ng nasabing barangay. Sa report ng pulisya, papauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang harangin at ratratin ng tandem pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing lugar. Nabatid na katatapos lamang dumalo sa barangay session ang biktima nang makasalubong si kamatayan. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pulitika o away sa lupa ang isa sa motibo sa pagpatay sa biktima.