Bus vs traktora: 4 kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   -  Apat-katao ang malubhang nasugatan matapos tumbukin ng pampasaherong bus  ang kanilang sinasakyang traktora sa bulubunduking highway ng Barangay Tarinsing, bayan ng Cordon, Isabela kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Rogelio Taliping, hepe ng Cordon PNP, ang mga biktimang sina Prudencio Alcantara Sr., Prudencio Alcantara Jr., at mga kaanak na sina Juler Alcantara at Juanito Rivera. Ayon sa bus driver na si Richard Cabanilla ng Brgy. Gayong, walang ilaw o reflector sa likuran ang traktora na sinasakyan ng mga biktima kaya hindi nito napansin dahil sa makapal na hamog sa highway. Boluntaryong sumuko sa pulisya ang driver ng bus.

 

Show comments