‘Lover’ ni misis kinatay ng mister

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Pinagtataga hanggang sa mapatay ang 40-anyos na magsasaka ng kanyang matalik na kaibigan matapos itong paghinalaang sinasalisihan siya sa kanyang misis sa Barangay Kuneg, bayan ng Gattaran, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni PO2 Elmar Ventura ang biktima na si Rodolfo Madriaga habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Anacleto Domingo.

Sa police report, luma­labas na inakusahan ng suspek ang kanyang kaibigan na nakikipagtalik sa kanyang misis kapag wala siya sa bahay.

Tiyempuhan naman ng suspek na natutulog ang biktima at isinagawa ang pamamaslang.

Nabatid na dalawang buwan nang nanunuluyan ang biktima sa bahay ng suspek kaya nanibugho at paghinalaan ang pagsasalisi nito sa kanyang misis.

 

Show comments