MANILA, Philippines - Dahilan lamang sa lubid na tali ng isang nagwawalang kalabaw, isang driver ang nasawi habang grabe naman ang backrider nito matapos na bumaliktad ang sinasakyan ng mga itong motorskilo sa Brgy. Bunguiao, Zamboanga City kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ang nasawi na si Jaymin Francisco, idiÂneklarang dead-on-arrival sa Zamboanga Medical Center sanhi ng pagkaÂbagok ng ulo nito.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang backrider nitong si Norvin Francisco na isa nitong kamag-anak na nagtamo naman ng malubhang sugat sa katawan sa insidente.
Sa ulat ng Zamboanga City Police, dakong alas- 11 ng tanghali nang mangyari ang sakuna sa highway ng Sitio Manga sa Brgy. Bunguiao ng lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, itinali sa puno sa tabi ng highway ng may-ari ang alaga nitong kalabaw kung saan nang marinig ng nasabing hayop ang ingay at busina ng paparating na Honda (JL 6188) na minamaneho ni Jaymin. Biglang nagwala ang kalabaw na tumawid sa highway kung saan napatid ng lubid nito sa leeg si Jaymin na nagbunsod sa malagim na sakuna.