Tinedyer tinodas ng pulis

NUEVA ECIJA, Philippines – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang pulis na sinasabing nakabaril sa 16-anyos na binatilyo sa Barangay Plaridel, bayan ng Llanera, Nueva Ecija noong hapon ng Enero 1. Si SPO1 Jaime Giron Jr., y Duque ng Llanera Police Station, ay subject for manhunt ope­ration matapos na barilin at mapatay ang biktimang si Ronnie Almuete y Puyat.

Nabatid sa imbestigasyon na bandang ala-1:40 ng hapon nang dumating ang suspek sa bahay ng biktima kung saan kinumpronta ito sa hindi pa nabatid na dahilan.

Dito na pinagbabaril ang biktima at idineklarang patay sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital sa Cabanatuan City. Agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo sa hindi nabatid na direksyon.

Show comments