6 sugatan sa granada

NORTH COTABATO, Philippines – Anim-katao ang iniulat na nasugatan makaraang sumambulat ang granada sa bisinidad ng Sayre National Highway sa Ba­rangay Ugalingan, bayan ng Carmen, North Cotabato noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga sugatan na sina Carmelita Tropa, 55; Sabilita Tropa, 14; Marlyn Montaire, 14; Joana Miran, 14; at si John Lloyd Miran, 5, pawang nakatira sa nasabing barangay.

Base sa police report, naglalakad ang mga biktima papunta sa simbahan para sa misa nang hagisan ng granada.

Nagtamo ng sugat ang mga biktima maliban kay Narciso Tropa na mister ni Carmelita.

Agad na isinugod sa Kabacan Medical Spe­cialist ang mga biktima pero makalipas ang ilang minuto ay inilipat sila sa Cotabato Provincial Hospital.

Sa ginawang post-blast examination ng EOD team, narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang M67 high explosive na granada.

Show comments