16-anyos grabe sa pamamaril

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nasa kritikal na kalagayan ang 16-anyos na binatilyo matapos ratratin ng dalawang lalaki ang bahay na kanyang tinutulugan kahapon ng madaling araw sa Barangay Cabugao, bayan ng Siruma, Camarines Sur. Naisugod pa saTinambac Infirmary Hospital ang biktimang si Ediomar Cabiserano, 3rd year high school  at nakatira sa Barangay Vito. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Joseph Sinogba at Bongbong “Asero” Dela Cruz. Sa ulat ng pulisya, nakitulog ang biktima sa bahay ni Megallan Del Castillo na kaibigan ang anak nito. Nabatid na puntirya ng mga suspek ang may-ari ng bahay kaya nadamay ang biktima sa pamamaril.

Show comments