Mag-ina sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines - Niratrat at nasugatan ang mag-ina sa panibagong karahasang naganap Montilla Boulevard, Purok 2, Barangay San Pedro sa Butuan City kamakalawa ng gabi. Isinugod sa  MJ Santos Hospital ang mga biktimang sina Chairwoman Jocelyn Amado, 50; at Gilbert Boholts Amado, 29, kapwa nakatira  Barangay San Ignacio. Nabatid nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ina nang kumatok sa pintuan ang di-kilalang lalaki at nagtanong kung saan maaaring magpa-imprenta ng ID. Nag-boluntaryo naman ang chairwoman na sinamahan kasunod ang anak nito pero ilang minuto ang nakalipas ay pinagbabaril ang ginang kung saan tinamaan ng ligaw na bala si Gilbert.

 

Show comments